Wednesday, November 30, 2011

Gising na Pinoy!

Dahil hindi ako pinapatahimik ng utak ko sa kakaisip tungkol sa mga naiisip ko, sige pag bibigyan ko na. Nuong na bigyan ako ng pag kakataon tumira sa ibang bansa ng tatlong taon ang daming na bago sa pananaw ko sa buhay.Nakita ko ang deperensa ng taong sumusunod sa tama at ang taong hindi sumusunod kahit sa maliit na instruction lang.

 Katulad na ng simpleng pag tawid sa ''Pedestrian Lane'' Ang iba sa atin hindi nagagamit ang pedestrian lane. dahil ba hindi nyo alam ang ibig sabihin o gusto lang talaga suwayin ang tama.
Ang pag kaka alam ko ang pedestrian lane ay pag tawid ng mas safe o siguradong hihinto ang sasakyan. ugaliin po natin mga manong driver kapag my taong tatawid sa pedestrian lane kayo naman ang mag give way tutal kayo naman ang may hawak ng manebela. bigyan na lang natin ng credit ang mga taong tumatawid sa tama.

Sa mga tumatawid naman meron na nga tinayong mga over pass dyan at ginawan na ng paraan ni Ginoong Bayani Fernando na maging makulay ito para naman mapansin nang kararami sa atin.
Iwas sakuna para sayo at para din kanila manong driver.

Kay aleng tindera naman sa palengke, okey lang naman kumita pero kelan man hinding hindi naging tama na ang kalat nyo ay itatapon sa IMBORNAL. Kaya hangang ngayon hindi matapos ang problema sa pag lutas kung papano mababawasan ang basura. Nandyan na nga si Ginang Gina Lopez  na nag bibigay pag asa satin na lilinis parin ang kapaligiran. Hindi man tayo makatulong sa financial maari rin naman tayo makatulong sa sariling gawain natin. simpleng pag tapon ng basura sa tamang lalagyan.magulat kayo kung buong Pilipinas na ay isang malaking basura sa inyong gingawa. Dahil kung sino ka man; malamang meron kang nakakabatang kapatid o kaya anak o pamangkin lang naman. kung anong pinapakita mong ugali sa kanila, mataas ang pursyento na yun ang kanilang tuluran.

Sabi ni Doctor Jose Rizal ang kabataan ay ang pag asa ng bayan, Sang ayon ako sa kanyang pahayag na ang kabataan ang pag asa ng bayan. pero kung meron klaseng tao na hirap sumunod sa simpleng instruction lang papano magiging pag asa ng bayan ang kabataan kung na sasaksihan nila ang maruming mundong kanilang ginagalawan.

Baket hindi natin umpisahan ng malinis na gawa, baket hindi natin subukan maging iba? baket hindi tayo mag simula sa atin mga sarili. Tigilan na ang mang sisi at ang pag hahanap kung sino dapat sisihin. dahil alam mo sa totoo lang buhay mo yan e. wala kang kontrolado sa buhay ng iba. ayaw mo man sa gusto mo SAYO ang simula ng tunay ng pag babago.

No comments:

Post a Comment