Baket nga ba talaga hangang ngayon marami parin ang walang trabaho na mga pinoy. sino nga ba talaga ang meron kasalanan ang Bansa na meron kakulangan sa trabaho o mismo ang mga pinoy?
Hindi natin maikakaila na nag sisipag ang mga magulang para lang makatapos ang mga ának. kung minsan nga wala ng makain basta lang may pang baon ang anak sa eskwela, dahil dito maraming pinoy ang edukado kumpira sa ibang karitig bansa sa Asia. Marami sa atin mga pinoy ay nakakapag tapos sa pag aaral ngunit hirap makahanap ng trabaho.
Unang bagay para makahanap ng trabaho ay tiwala sa sarili, marami sa atin ang nakakatapos ngunit mismo sa sarili ay walang tiwala. nakatapos ka nga ng may magandang marka at nang galing sa isang tanyag na sa eskwelahan sa colegio pero kung wala ka naman tiwala sa sarili mo at abilidad hindi malabo mang yari na maging isang tambay ka.
Sumubok ng ibang bagay ang importante porsigido ka makahanap ng trabaho o kumita.
Umpisahan mo sa maliit na negosyo o kaya naman mag isip ka na makapag trabaho kahit hindi mo linya yun. kung nag tapos ka man ng nurse o abugasya at hindi ka makapag trabaho puwes hindi duon na titigil ang mundo mo. maraming paraan para mag trabaho at kumita isipin mo kung saan ka mag uumpisa.
Dahil sa paniniwala mo sa sarili mo maraming pwede mo magawa, pwede ka sumigaw, pwede ka tumalon,pwede ka tumawa. lahat makakaya mo basta interesado ka at porsigido ka.
Una sa lahat ihanda mo sarili mo, mag hanap ng trabaho. Ang goal mo ngayon ay makapag hanap na marangal na trabaho. hindi man na aayon yun sa kurso na tinapos mo.Ang importante ang utak mo ay hindi na babakante. maliit man na klaseng trabaho para sayo isipin mo ito na experienced pwede mo etong magamit para ma reach mo ang goal mo.
ano ba ang galing na meron ka? mag isip, marahil iba sa inyo nakaisip na ang iba naman e hindi makaisip. dun sa nakaisip na pang hawakan mo yun dahil magagamit mo yun. dun sa hindi pa naiisip ang galing nila mag isip ulit. Unang bagay makahanap ng trabaho ay tiwala sa sarili,kung wala ka parin tiwala sa sarili mo hangang ngayon malabo talaga makahanap ka ng trabaho.
ano ang mga galing mo o talent? halimbawa magaling ka mag salita ng english, mag aral ka maging ala american accent pwede mo magamit yun sa pag pasok sa call center o kaya Esl teacher. sa paraan na yun gumagana ang utak mo kumikita ka pa.walang na sayang na oras habang hindi mo pa nagagawa ang pangarap mo maging isang ganap na nurse o abugado.
kung magaling ka naman sa math pwede ka mag tutor sa mga bata, kung magaling ka naman sa basketball,guitara o kanta. pwede mo magamit yun makahanap ng trabaho, kelangan mo lang isipin kung anong paraan papano mo makukuha ang goal mo.
kung marunong ka naman sa baking o pag luluto pwde mo rin magamit yun sa pag tayo ng maliit na business. Kung magaling ka naman sa internet pwede ka mag put up ng online business.
ang paniniwala ko walang hindi marunong na tao, baket? halimbawa ang isang bata e magaling sa patintero ang isang bata naman e magaling sa basketball. sa pag laki mo meron kang gustong gustong isang bagay na gawin ayun ang nahulma na galing mo. hindi lahat ng tao marunong dito, hindi lahat lahat ng tao parepareho marahil may mga tao na hulma ang galing nila sa maraming bagay dahil interesado sila at sinubok nila yun.
Ikaw kelan mo susubukin ang galing mo? Kelan ka mag uumpisa manindigan?
No comments:
Post a Comment