Kapag meron sakuna o kalamidad, maririnig mo sa mga usapan sa kanto ng mga lalakeng nag lalasingan, sa tindahan o kaya sa labasan kung saan nag kukumpulan ang mga tao. isa lang naman ang kanilang patuloy at paulit ulit na pinag uusapan, sino pa edi si aleng sisi at si manong ang may kasalanan ng lahat ng ito.Tuwing sumasapit ang pag ka gipit ng mga pilipino lagi na lang na sasambit at naiisip ang mga kagagawan ni aleng sisi at ni manong meron kasalanan.
Sino nga ba talaga ang dapat sisihin ng mga pinoy? ikaw meron ka bang alam o komento kung sino ba talaga ang may kasalanan lahat ng yayari sa Pilipinas?
Umpisahan na natin sa pag baha, katulad noong October 1, 2009 binagyo tayo ni Ondoy. Maraming pamilya at tahanan ang na apektuhan dulot ng malakas na hagupit ni Ondoy. Ang isa sa mga sinisisi ay ang pag bukas ng Angat dam, marahil isa ito sa dahilan. Ngunit subalit hindi niyo ba naisip na marahil isa tayo sa dahilan kung baket bundok bundok ang basura sa kalye o sa payatas?
Ikaw ba kapag kumain kaba ng candy sa jeepney o kaya naman sa pang publikong lugar saan mo nilalagay ang balat ng candy? Aminin nyo man hindi, hindi man ikaw o ikaw ang tinutukoy ko. marami ka makikita na nag tatapon sa daan mapa maliit man na plastic yan o malaki ma ituturing mo parin yan BASURA.
Basurang nakaka bara, nakaka sira ng kagandahan ng lugar, basurang mabaho, basurang madumi.
Baket ba sa simpleng pag lagay ng maliliit na basura sa bag kay hirap hirap magawa ng mga pinoy? sino nga ba makiki nabang kung bawat isa sa atin ay nag tutulong tulong.
Dumako naman tayo sa Pulitika baket kasi ang Presidente ay si Noynoy?
Ang dami dami pa naman dyan mas magaling, Hangang ngayon wala parin ako trabaho!
Dapat palitan na yan, wala naman pag babago ang Pilipinas.
Ayan ang maririnig mo kadalasan sa mga Pinoy na naiinterview sa telebisyon, ayan ang kanilang mga komento tungkol sa ating Pangulo. Sa totoo lang nuong ako ay bumoto hindi siya ang binoto kasi sa maraming dahilan. Isa sa mga dahilan ay wala pa naman siya talaga na gagawa at hindi mo madalas na ririnig ang pangalan nya. kung hindi dahil lang sa yumao nyang inang dating Presidente Cory Aquino o hingan siya ng komento tungkol sa kanyang sikat na kapatid na si Kris Aquino.
Pero noong tinalaga siya maging ganap na Pangulo ng Pilipinas ako'y naniwala at piniling suportahan ang kanyan mga mabubuting adhikain sa Pilipinas.Sa kadahilanang kaya siya naka lipon ng mga boto dahil sa paniniwala ng taong bayan.Ayan ang pinaniniwalaan ko buhat ngayon.
Anong klaseng suporta ba ang pwede mo maibigay sa Presidente, kahit isang simpleng mamayan ka lang?
Maniwala at tangapin kung ano ang kanyang desisyon.Hangat ito ay na aayon sa batas at wala siyang natatapakan iba. karapatdapat la mang siya suportahan hindi hanapan ng butas ng mga pag kakamali sa ginagawa nya. Dahil siya ang pinili ng taong bayan upang mamuno satin, Respeto sa desisyon ng iba at respeto sa isang Lider ang maibibigay ng mga mamayaman. Sa bagay na ito marahil malaking tulong na itong suporta na ang mamayan Pilipinas ay nag kakaisa at naniniwala sa kanyang kakayahan na isa siya sa pag mumulan ng malaking pag babago.
No comments:
Post a Comment