Habang nag iintay ng sasakyan naisip ko 1 month na lang birthday ko na,. napaisip ako kung ano ba pwedeng magawa sa birthday ko. pakiramdam ko kasi habang tumatanda na ako hindi na nagiging masaya ang birthday, nung nakaraan taon wala rin masyado nang yari. naisip ko ano kaya kung hindi ko na lang e celebrate tutal wala naman din mawawala diba. habang nag iisip at napabuntunghinga tumunog ang cell phone ko. tunog ng txt message ang ate ko nag txt. pumunta ka dito sa November tulungan mo ako mag handa ng pag kain para sa mga bata sa orphanage e celebrate natin birthday ng kuya mo at chaka sayo.
habang binabasa ko ang txt tamang tama wala pang limang minuto dumating na ang jeep na sasakyan ko. napaiisip na naman ako kung ano ba ang meron sa orphanage. nakikita ko lang yun sa mga palabas sa telebisyon, ang pag kaka alam ko bahay ampunan yun mga batang walang magulang ang mga nandun.
ohhh exciting since mahilig ako sa bata masaya yun, kahit hindi naman talaga para sa akin ang celebration sige pupunta ako. para maiba naman ang celebration ng birthday ko.
Pag katapos ng isang buwan hindi araw ng birthday ko araw yun ng birthday ng asawa ng ate ko. pumunta ako sa bahay nila tumulong sa pag lagay ng arina sa manok at piniruto. si ate naman nag luluto na ala filipino spaghetti yung meron ketchup at hotdog na pula at matamis na lasa ng spaghetti. wala man kami budget pambili ng food sa mcdo at jollibee palagay ko masasarapan din ang mga bata sa pagkain.hindi pa man na papack ang pag kain nakakailang balik na ako sa kusina para tumikim ng mga pag kain.
pag katapos ma ka pack ng 50 plus na pag kain sa styrofoam at ma plastic ang mga laruan hayun na tapos din ang hinanda namin sa mga bata. ilang oras na lang pupunta na kami sa orphanage kasama ng bayaw ko ate at pamangkin ko.
hinanda narin namin ang sarili namin para hindi naman kami mangamoy ulam, ayos na at kumpleto na ang lahat sumakay na ang pamangkin ko sa van sumunod narin ako si ate sinuguro na kompleto ang pag kain si kuya naman pumuwesto na sa manibela.
poooot pooot pooot busina ng van sa labas ng orphanage. meron humarap na hindi kataasan na babaeng nakasalaming kuba. naka ngiti siya habang binubuksan ang gate para makapasok ang sasakyan.
Bago kami pumasok pina alalahanan kami bawal kumuha ng litrato, tanong namin kung baket? para protektahan ang mga bata at kung ikaw din ang nasa kalagayan nila hindi mo rin nanaisin na makita ka ng ibang taong ganun.
pag katapos makipag usap ng bayaw ko sa madre na namamahala, isaisa na kami pumasok sa pintuan de screen. nagulat ako sa bungad ng mga bata. una natuwa ako sa mga pagiging active nila. inisa isa ko ang mga kwarto gusto ko lahat makita ko.bago ako makarating sa mga kwarto meron mga nakahilata na mga bata sa my entrance ng pintuan nakahilata silang mag kakasunod sa isang kamang pahaba nasa idad 7 to 13 years old pero muka parin silang mga mas bata sa idad nila,halos lahat my down syndrome o kaya hydrocephalus lahat sila naka higa sa kamang pahaba mga tatlo o limang bata kada kama.
hindi man sila nakakapag salita pero makikita mo mga ngite sa mga muka nila my mga ngumingite my mga umiiyak my mga tumatawa. halo halong emosyon para lang makuha ang mga atensyon namin.
habang nilalaro ko ang mga bata sa kama meron maliit na bata na ngungulit sakin at gusto mag pakarga. nilaro at kinarga ko pero nuong binaba ko na siya para naman malaro ko yun ibang bata na hindi ko na pupuntahan binalik balikan nya na ako. nakakapagod pero hindi ko na lang inintindi yung pagod lalo na makita mo mga ngiti nila sa labi.habang nilalaro ko yung isang bata sa kama, makikita mo ang mga matamis na ngiti nya at maliit na tinig ng tawa. nuong akala ko isa lang ang nilalaro ko apat na bata pala ang napapatawa ko dahil ang mga katabi nyang bata na nunuod din.
Tinawag na ng mga madre ang mga batang nakakalakad, pinaupo na pinag dasal at pinakanta ng happy birthday para makakain na. habang kumakanta ng happy birthday biglang my inatake ng epileptic na bata. pag katapos nya atakihin parang walang ng yari masaya ulit sya.
pag katapos ng kantahan ng happy birthday isa isa pinakain na, habang ang mga bata na mga nakakalakad ay kumakain na. ang mga bata naman sa mga kama na pahaba nag iintay ng mga volunteer na mag susubo sa kanila.pumunta ako sa kusina kinuha ko yun isang mangkok na may sphagetti na laman. pumunta na ako dun sa may kama na mili ako ng isang batang susubuan sa mantalang ang iba kelangan mag intay matapos masubuan ang isang bata.
kinakailangan mo ng mahabang pasensya sa pag pakain ng mga bata dahil karamihan sa kanila hindi maibuka ang bibig nag lalaway o hindi nginu nguya ang kinakain. dahil sa kapansanan nila na apektuhan din ang pag kain nila kaya karamihan sa kanila na ngangayayat nag kakasakit ng mga TB tuberculosis,Pneumonia o hydrocephalus.
Nung matapos ko ang pag subo ng pag kain sa mga bata, sinugurado ko na, bawat isa sa kanila na hawakan ko nalaro ko at napa ngiti ko. meron makikita mo nag sisipa sa kakatawa at yun iba naman sobrang sa pag lalaway sa sobrang hagikhik sa mga patawa at pakikipag laro ko.
napadaan ako sa tahimik na kwarto ang daming sangol ang daming baby, ay sobrang na excite ako i so love babies pero nalungkot din ako. madaming mga married couples ang gusto mag ka baby ngunit ang mga ito tinatapon o pinapa ampon para lang ma alagaan. napaiyak ako sa nakita ko sobrang liit nya at mukang bagong panganak pa lang o kulang sa buwan. hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtanong sa katiwala dun na tumutulong dun. sabi ko ate kelan pato dito? sabi nya last week lang yan nakita yan ng mga madre sa sako sa labas ng gate. napabuntong hininga ako at napaiyak kasi ang liit liit lang nya para maranasan nyang pabayaraan ng sariling magulang. gusto ko mang intindihin kung ano ang pinag dadaanan ng magulang pero naiinis lang ako habang pinag mamasdan ang mga sangol sa harapan ko walang mga isang taon.
kinarga ko yung maliit na sangol hay kay sarap ng pakiramdam mainitan sya sa mga bisig ko, kung naririnig nya lang kung anong sinasabi sabi ng puso ko, kung kaya ko lang pakainin kayo lahat gagawin ko.
napaiyak ako kasi pakiramdam ko wala ako magawa pero sabi ni ate malaki na daw ang bagay na ginagawa ko nandyan ako para sa kanila. maramdaman lang nila na may nag mamahal at nag aasikaso sa kanila malaking tulong na yun.
pag katapos ng pag kakarga ko sa isang sangol inisa isa ko rin ang mga crib, minsan sa isang crib dalawang baby meron isa lang.. sinubukan ko rin kargahin at laruin sila isa isa ang sarap ng pakiramdam maging nanay ng lahat ng batang ito. kasu yung ibang baby masyado na nawili sa pag karga ayaw na mag pa baba at marinig ng isa umiiyak ang isa umiyak narin ang katabing baby. parang naging konsyerto ng iyakan ng mga baby sa kwarto. lahat sila uhaw sa himas ng isang nanay, laro ng tatay at karga ng mga maiinit na bisig ng magulang.
masyado ako nawili sa kwartong yun sa pag karga ng 15 ibat ibang baby isang araw lang.narinig ko nag bukas ang pintuan ng kwarto si ate na tinatawag nya na ako uuwi na kami.ayaw ko man mawalay sa mga bata pero kelangan na talaga umuwi si anna bumungad sakin pag katapos ko dun sa nursery room. si anna na 28 years old na babae na parang bata parin kung kumilos kasi meron syang hydrocephalus at naka wheelchair. nag pa alam na kami sa mga bata at nag pa alam narin ako kay anna dahil nga nasa my pintuan sya, hindi ko sya masyado napansin kasi sa mga bata napunta ang atensyon ko. nung nag paalam ako niyakap nya ako at hinawakan nya ang kamay ko ng mahigpit na ayaw niya pang bumitaw. sabi nya babalik kayo ah! ma miss kita.. nagulat ako sa reaction nya kasi hindi ko naman talaga siya nakausap ng matagal.
bago kami sumakay ng van pabalik sa bahay nag paalam kami sa mga madre at dun sa babaeng nag bukas ng gate, sinubukan ko siya kausapin. sabi ko ang ganda ng buhok mo ang haba pano mo napahaba yan sinagot nya ako pero pipi pala siya hindi nakakapag salita. hindi ko alam kung pano kausapin kasi hindi naman ako marunong ng sign language sumisenyas sya na bumalik daw ulit kami at pina intay nya ako sandali pumunta siya sa loob ulit pumunit siya sa karton ng bearbrand at sinulat ang letra na meron numero. nag pasalamat ako niyakap siya at umalis na.
habang nasa sasakyan binasa ko yun sinulat nya, pero hindi ko maintindihan kasi letra lang na hindi makabuo ng word para maintindihan mo. at ang number naman apat lang hindi anim para isipin ko telephone number nya. hindi ko man maintindihan kung ano nilalaman nun. isa lang ang alam ko. Marami ako napasaya na bata nung araw na yun maging ako, hangang ngayon dala dala ko yun kaligayahan na ibahagi ko 4 years ago nung kaarawan ko.
No comments:
Post a Comment