Tuesday, December 20, 2011

Sendong Typhoon

Nabuhayan na naman ng dugo ang mga haters, oras na naman ng sisihan kung sino ang hindi gumagawa at tumutulong.Nandyan ang sisihin ang PNoy sa kanyang pag daos ng Christmas party nandyan ang pag sisi sa mga nakaupo sa Gobyerno ma pa Congressman o Senator ay na dadawit sa mga dapat sisihin.
Eto lang ang masasabi ko HAY NAKO! mag isip isip naman tayo nang mabuti kung ano ang dapat gawin upang malimitahan ang pag bangin ng galit o pag sisi kung kanino man.

Kelangan daw ang mga Congressman eh mag donate ng isang million para pang tulong sa mga nasalanta at mga biktima ni Sendong. Nandyan ang pag sisi dahil hindi lumipad papaunta CDO o si Pnoy.

Nag kataon sila ang naka upo sa pwesto at trabaho nila ang kumilos kapag meron ng yayari Kalamidad sa Pilipinas. kaya karamihan sa mga Pinoy ang nasisi ay ang Gobyerno. Nandun na tayo,Kung ano man ang ginagawa ni Pnoy noong mga oras na yun eh hindi na natin controlado yun. Nag Christmas party man sya o nag pa meeting nga naman. Ano nga ba talaga ang totoo? Ano nga ba talaga ang nalalaman mo? malamang katulad ko na isang simpleng mamayan ay walang kapasidad alamin ang katotohanan. Pero ikaw at ako meron tayo kapasidad kumilos at tumulong sa mga na ngangailangan sa kalamidad.

Ano ba ang nagawa mo? isa ka ba sa mga Nega o sumasama ang loob sa resulta ng pamahalaan ngayon. Kaya ini lalabas mo ang iyong nararamdaman sa pag susulat o kaya naman pag post sa status mo kung gano ka ka apektado sa kalamidad na ng yayari ngayon sa CDO at iligan. Meron naman tayong FREEDOM of SPEECH sa pag lahad ng ating mga sa loobin ngunit isipin natin kung eto ba ay makakabuti at makakatulong sa mga na victima. Ano ba na itulong mo para sa kanila? Ano ba ang nasakripisyo para sa mga kababayan mo?

Sinupot mo na ba ang mga damit na naka tambay sa cabinet mo ng ilang bwan o ilang taon na hindi mo ginagamit?

Na itabi mo ba ang P150 na para pang starbucks mo? na sa bawat P50 na maibibigay mo maaring sampung noodles ang mabibili upang mapakain sa mga mahal nating kababayan.

Ang pang Unlimited mo ba na bente pesos na ipasa mo na ba para sa mga na ngangailangan?

Ang tinatabi mong pera para sa Tradisyon na panunuod ng sine tuwing pasko na ibigay mo na ba?

Nakapag supot kana ba kahit isang kilong bigas para sa kanila?

Kung wala ka man pera nakapag Volunteer kana ba para sa pag pack ng mga ipapadala sa mga kababayan nating sa CDO?

Ano ba talaga ang kaya mo gawin bilang isang indibidwal na Pinoy?

Meron ilan akong nabasa na mga Komento na sinisisi ang Gobyerno at pamahalaan at mga Organisasyon Katulad ng ABS-CBN, TV 5 at GMA at iba pa. kung tutulong daw eh yung kayo ang kumilos, dahil ang iba dyan ay binubulsa ang pera at sinisisi ang Gobyerno.

 Nakakalungkot man isipan ang mga mentalidad na ganito kung bawat isang Pilipino ay ganyan ang paniniwala sino pa ang mag bibigay ng tulong o mag papadala ng pera sa mga Organisasyong ito para makatulong sa mga kababayan natin. Sino pa ang magiging Succesful na Leader kung ang ating mentalidad ay puro Negatibo. Hindi mag babago ang inyong Interpretasyon kung kayo mismo ay hindi na niniwala.

 Ilocano,Cavitena,batangeno o Bisaya ka man iisa lang ang pinangalingan natin. Kundi ang Pilipinas marahil na alala nyo ang Ampatuan Masacre at ang pag bitay sa ilan nating kababayan tayo ay naki simpatya sa mga pang yayaring ito. Hindi man tayo mag kakadugo hindi man tayo mag kakapatid pero isa ang pinag mulan natin tayo ang mga Pinoy kaya likas satin ang mag alala,malungkot at maiyak sa mga nang yayari ngayon.

Kung bawat isa sa atin ay magiging negatibo asahan mo na ang Pilipinas ay hindi aahon dahil ayan ang paniniwala mo. Kung mag sasalita ka man para sa bayan mo, sana siguraduhin mong ito ay makakabuti at makakatulong sa iyong Bansang sinalangan.

No comments:

Post a Comment