Dahil hindi ako pinapatahimik ng utak ko sa kakaisip tungkol sa mga naiisip ko, sige pag bibigyan ko na. Nuong na bigyan ako ng pag kakataon tumira sa ibang bansa ng tatlong taon ang daming na bago sa pananaw ko sa buhay.Nakita ko ang deperensa ng taong sumusunod sa tama at ang taong hindi sumusunod kahit sa maliit na instruction lang.
Katulad na ng simpleng pag tawid sa ''Pedestrian Lane'' Ang iba sa atin hindi nagagamit ang pedestrian lane. dahil ba hindi nyo alam ang ibig sabihin o gusto lang talaga suwayin ang tama.
Ang pag kaka alam ko ang pedestrian lane ay pag tawid ng mas safe o siguradong hihinto ang sasakyan. ugaliin po natin mga manong driver kapag my taong tatawid sa pedestrian lane kayo naman ang mag give way tutal kayo naman ang may hawak ng manebela. bigyan na lang natin ng credit ang mga taong tumatawid sa tama.
Sa mga tumatawid naman meron na nga tinayong mga over pass dyan at ginawan na ng paraan ni Ginoong Bayani Fernando na maging makulay ito para naman mapansin nang kararami sa atin.
Iwas sakuna para sayo at para din kanila manong driver.
Kay aleng tindera naman sa palengke, okey lang naman kumita pero kelan man hinding hindi naging tama na ang kalat nyo ay itatapon sa IMBORNAL. Kaya hangang ngayon hindi matapos ang problema sa pag lutas kung papano mababawasan ang basura. Nandyan na nga si Ginang Gina Lopez na nag bibigay pag asa satin na lilinis parin ang kapaligiran. Hindi man tayo makatulong sa financial maari rin naman tayo makatulong sa sariling gawain natin. simpleng pag tapon ng basura sa tamang lalagyan.magulat kayo kung buong Pilipinas na ay isang malaking basura sa inyong gingawa. Dahil kung sino ka man; malamang meron kang nakakabatang kapatid o kaya anak o pamangkin lang naman. kung anong pinapakita mong ugali sa kanila, mataas ang pursyento na yun ang kanilang tuluran.
Sabi ni Doctor Jose Rizal ang kabataan ay ang pag asa ng bayan, Sang ayon ako sa kanyang pahayag na ang kabataan ang pag asa ng bayan. pero kung meron klaseng tao na hirap sumunod sa simpleng instruction lang papano magiging pag asa ng bayan ang kabataan kung na sasaksihan nila ang maruming mundong kanilang ginagalawan.
Baket hindi natin umpisahan ng malinis na gawa, baket hindi natin subukan maging iba? baket hindi tayo mag simula sa atin mga sarili. Tigilan na ang mang sisi at ang pag hahanap kung sino dapat sisihin. dahil alam mo sa totoo lang buhay mo yan e. wala kang kontrolado sa buhay ng iba. ayaw mo man sa gusto mo SAYO ang simula ng tunay ng pag babago.
Samutsaring komento ni Lola ay nag lalayon ipahayag sa sambayanang Pilipinas kung ano ba talaga ang kahalagahan ng bawat isang Pilipinong naniwala at nag mamahal sa sariling bayan.
Wednesday, November 30, 2011
Trabaho sa Pinoy!
Baket nga ba talaga hangang ngayon marami parin ang walang trabaho na mga pinoy. sino nga ba talaga ang meron kasalanan ang Bansa na meron kakulangan sa trabaho o mismo ang mga pinoy?
Hindi natin maikakaila na nag sisipag ang mga magulang para lang makatapos ang mga ának. kung minsan nga wala ng makain basta lang may pang baon ang anak sa eskwela, dahil dito maraming pinoy ang edukado kumpira sa ibang karitig bansa sa Asia. Marami sa atin mga pinoy ay nakakapag tapos sa pag aaral ngunit hirap makahanap ng trabaho.
Unang bagay para makahanap ng trabaho ay tiwala sa sarili, marami sa atin ang nakakatapos ngunit mismo sa sarili ay walang tiwala. nakatapos ka nga ng may magandang marka at nang galing sa isang tanyag na sa eskwelahan sa colegio pero kung wala ka naman tiwala sa sarili mo at abilidad hindi malabo mang yari na maging isang tambay ka.
Sumubok ng ibang bagay ang importante porsigido ka makahanap ng trabaho o kumita.
Umpisahan mo sa maliit na negosyo o kaya naman mag isip ka na makapag trabaho kahit hindi mo linya yun. kung nag tapos ka man ng nurse o abugasya at hindi ka makapag trabaho puwes hindi duon na titigil ang mundo mo. maraming paraan para mag trabaho at kumita isipin mo kung saan ka mag uumpisa.
Dahil sa paniniwala mo sa sarili mo maraming pwede mo magawa, pwede ka sumigaw, pwede ka tumalon,pwede ka tumawa. lahat makakaya mo basta interesado ka at porsigido ka.
Una sa lahat ihanda mo sarili mo, mag hanap ng trabaho. Ang goal mo ngayon ay makapag hanap na marangal na trabaho. hindi man na aayon yun sa kurso na tinapos mo.Ang importante ang utak mo ay hindi na babakante. maliit man na klaseng trabaho para sayo isipin mo ito na experienced pwede mo etong magamit para ma reach mo ang goal mo.
ano ba ang galing na meron ka? mag isip, marahil iba sa inyo nakaisip na ang iba naman e hindi makaisip. dun sa nakaisip na pang hawakan mo yun dahil magagamit mo yun. dun sa hindi pa naiisip ang galing nila mag isip ulit. Unang bagay makahanap ng trabaho ay tiwala sa sarili,kung wala ka parin tiwala sa sarili mo hangang ngayon malabo talaga makahanap ka ng trabaho.
ano ang mga galing mo o talent? halimbawa magaling ka mag salita ng english, mag aral ka maging ala american accent pwede mo magamit yun sa pag pasok sa call center o kaya Esl teacher. sa paraan na yun gumagana ang utak mo kumikita ka pa.walang na sayang na oras habang hindi mo pa nagagawa ang pangarap mo maging isang ganap na nurse o abugado.
kung magaling ka naman sa math pwede ka mag tutor sa mga bata, kung magaling ka naman sa basketball,guitara o kanta. pwede mo magamit yun makahanap ng trabaho, kelangan mo lang isipin kung anong paraan papano mo makukuha ang goal mo.
kung marunong ka naman sa baking o pag luluto pwde mo rin magamit yun sa pag tayo ng maliit na business. Kung magaling ka naman sa internet pwede ka mag put up ng online business.
ang paniniwala ko walang hindi marunong na tao, baket? halimbawa ang isang bata e magaling sa patintero ang isang bata naman e magaling sa basketball. sa pag laki mo meron kang gustong gustong isang bagay na gawin ayun ang nahulma na galing mo. hindi lahat ng tao marunong dito, hindi lahat lahat ng tao parepareho marahil may mga tao na hulma ang galing nila sa maraming bagay dahil interesado sila at sinubok nila yun.
Ikaw kelan mo susubukin ang galing mo? Kelan ka mag uumpisa manindigan?
Monday, November 28, 2011
Sino ba talaga ang dapat sisihin ng mga PINOY?
Kapag meron sakuna o kalamidad, maririnig mo sa mga usapan sa kanto ng mga lalakeng nag lalasingan, sa tindahan o kaya sa labasan kung saan nag kukumpulan ang mga tao. isa lang naman ang kanilang patuloy at paulit ulit na pinag uusapan, sino pa edi si aleng sisi at si manong ang may kasalanan ng lahat ng ito.Tuwing sumasapit ang pag ka gipit ng mga pilipino lagi na lang na sasambit at naiisip ang mga kagagawan ni aleng sisi at ni manong meron kasalanan.
Sino nga ba talaga ang dapat sisihin ng mga pinoy? ikaw meron ka bang alam o komento kung sino ba talaga ang may kasalanan lahat ng yayari sa Pilipinas?
Umpisahan na natin sa pag baha, katulad noong October 1, 2009 binagyo tayo ni Ondoy. Maraming pamilya at tahanan ang na apektuhan dulot ng malakas na hagupit ni Ondoy. Ang isa sa mga sinisisi ay ang pag bukas ng Angat dam, marahil isa ito sa dahilan. Ngunit subalit hindi niyo ba naisip na marahil isa tayo sa dahilan kung baket bundok bundok ang basura sa kalye o sa payatas?
Ikaw ba kapag kumain kaba ng candy sa jeepney o kaya naman sa pang publikong lugar saan mo nilalagay ang balat ng candy? Aminin nyo man hindi, hindi man ikaw o ikaw ang tinutukoy ko. marami ka makikita na nag tatapon sa daan mapa maliit man na plastic yan o malaki ma ituturing mo parin yan BASURA.
Basurang nakaka bara, nakaka sira ng kagandahan ng lugar, basurang mabaho, basurang madumi.
Baket ba sa simpleng pag lagay ng maliliit na basura sa bag kay hirap hirap magawa ng mga pinoy? sino nga ba makiki nabang kung bawat isa sa atin ay nag tutulong tulong.
Dumako naman tayo sa Pulitika baket kasi ang Presidente ay si Noynoy?
Ang dami dami pa naman dyan mas magaling, Hangang ngayon wala parin ako trabaho!
Dapat palitan na yan, wala naman pag babago ang Pilipinas.
Ayan ang maririnig mo kadalasan sa mga Pinoy na naiinterview sa telebisyon, ayan ang kanilang mga komento tungkol sa ating Pangulo. Sa totoo lang nuong ako ay bumoto hindi siya ang binoto kasi sa maraming dahilan. Isa sa mga dahilan ay wala pa naman siya talaga na gagawa at hindi mo madalas na ririnig ang pangalan nya. kung hindi dahil lang sa yumao nyang inang dating Presidente Cory Aquino o hingan siya ng komento tungkol sa kanyang sikat na kapatid na si Kris Aquino.
Pero noong tinalaga siya maging ganap na Pangulo ng Pilipinas ako'y naniwala at piniling suportahan ang kanyan mga mabubuting adhikain sa Pilipinas.Sa kadahilanang kaya siya naka lipon ng mga boto dahil sa paniniwala ng taong bayan.Ayan ang pinaniniwalaan ko buhat ngayon.
Anong klaseng suporta ba ang pwede mo maibigay sa Presidente, kahit isang simpleng mamayan ka lang?
Maniwala at tangapin kung ano ang kanyang desisyon.Hangat ito ay na aayon sa batas at wala siyang natatapakan iba. karapatdapat la mang siya suportahan hindi hanapan ng butas ng mga pag kakamali sa ginagawa nya. Dahil siya ang pinili ng taong bayan upang mamuno satin, Respeto sa desisyon ng iba at respeto sa isang Lider ang maibibigay ng mga mamayaman. Sa bagay na ito marahil malaking tulong na itong suporta na ang mamayan Pilipinas ay nag kakaisa at naniniwala sa kanyang kakayahan na isa siya sa pag mumulan ng malaking pag babago.

Subscribe to:
Posts (Atom)